Part 1

October 26th, 2007 by brian-dmitri

3rd year high school day adventure…

umaga pa lang eh dama ko na na may kakaibang mangyayari sa araw na toh… di pa sumisikat ang araw eh pumunta na ako
ng school para sa daily morning exercise namin bilang aspirant (COCC)… excited masyado kaya nalimutan ko na 6a.m. pala ang
start… mabuti naman at di ako nag-iisa nung time na yun dahil may isa pa akong kabatch na mas excited sakin… sabi nya
mas nauna lang daw sya ng konti sakin pero tingin ko mga 30mins na sya nandun kase bakas sa mukha nya ang pagkaboring eh…
(naisip ko gusto siguro nitong maassign sa mataas na rank kaya nagpapakitang gilas agad…)
pagkatapos ng pagtitiis ko ng ilang minuto sa boring naming conversation eh sa wakas nagsidatingan na rin ang iba naming
mga kasama pati na rin ang mga officers namin… di ko na matandaan kung anu ano ang pinagawa samin nung time na yun
pero sigurado ko eh walang isa samin ang di tumagaktak ang pawis… buti na lang at homeroom ang first subject namin nun
kaya may time naman kaming lahat para magrelax…

(cream section nga pala ako nung time na yun, kaya madami sa mga kaklase/kabarkada ko ang katulad ko rin na aspirant…)
close kaming lahat sa cream section, iba na rin kasi ang mga pinagdaanan namin simula nung start ng high school
eh, kahit na nung 2nd year lang ako nagtransfer madaling gumaan ang loob ko sa lahat… pero mas iba ang naging samahan
naming mga lalake, halos 24/7 ang pasok naming lahat dahil kahit weekends eh nagkikita pa rin kami para magbonding…
(basketball, billiards, swimming, nood vcd, dvd, vhs… oo, uso pa vhs nung time na yun… hehehe… tambay, punta school
para maglinis at magdecorate ng classroom, uli sa "napakalaking" Ocean Palace Mall (OPM)… wala pa kasing SM nun dito eh,
kain sa labas, kwentuhan, tawanang walang katapusan, sleepover pero gising pa rin kaming lahat dahil ang matulog eh tiyak
magmumukhang whiteboard sa dami ng sulat ng pentelpen sa mukha at katawan, etc…)

ok back to the topic…
pagod kaming lahat nung umaga at ng nagrecess na eh punta lahat sa tambayan para magkwentuhan…
mukhang "wasted" kami lahat nung time na yun kaya nakaisip yung isang barkada namin na magrelax muna…
takas muna sa studies at COCC… di ko naman akalain na nung sinabi nyang takas eh literally palang tatakas kami sa klase…
to be continued… (tinamad na naman ang author)

sembreak?

October 26th, 2007 by brian-dmitri

start na ng sembreak, pero sa mga tulad ko na tri-sem eh ngayon palang nagsisimula ang kalbaryo sa studies…
meaning habang nag-eenjoy ang lahat sa kanilang bakasyon eh kami naman start na ng gawaan ng mga thesis at projects…
start na rin ng review para sa finals…
ok lang din kasi bawi naman kami sa next sembreak namin dahil 2months sya halos (kasama na x-mas vacation)…

Blog!

October 25th, 2007 by brian-dmitri

anu ba ang purpose nito?
-is a website where entries are written in chronological order and commonly displayed in reverse chronological order. (sabi sa walang kupas na wikipedia)
so ibig sabihin… (hmmm, wala ako naintindihan ah, english kase…) basta ang pagkakaalam ko dito mo pwede isulat lahat ng gusto mo pag wala ka magawa…

katulad na lang ng ginagawa ko ngayon… at saka first time ko pa lang dito kaya pagbigyan nyo na kung medyo walang kwenta…

Oct. 25, 2007…
an ordinary day para sa isang taong tulad ko, meaning "boring" na naman…
ewan ko rin kung bakit pero ang tingin naman ng iba eh ayos lang… saya pa nga daw kase di ganun kabigat gawain ko di katulad nung sa iba…
siguro nga mas ibang "satisfaction" sa buhay ang gusto ko, yung tipong hindi tulad sa isang normal na tao…

goals in life… (meron pa ba ako nito?) next time ko na lang palawakin itong topic na toh… tinatamad na ako magdrama ngayon eh… hehe…